Tinutulan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga panawagang magbitiw na si PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa, kaugnay ng kaso ng pagdukot at pagpaslang sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ginawa ito ng kalihim sa kanyang pagdalo sa ika – 64 anibersaryo ng Criminal Investigation and Detection Group, Lunes, Enero 23.
Sinabi ni Aguirre na maliban sa isolated case ang kaso ni Jee, hindi rin maaring iwan ni Dela Rosa ang kanyang trabaho dahil siya ang sumisimbolo sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Sinabi ni Aguirre na maaaring mayroon pa ring iilang gustong sirain ang pambansang pulisya upang mawala rin ang tiwala ng publiko sa Pangulong Rodrigo Duterte.
By: Katrina Valle / Jonathan Andal