Umarangkada na ang pagboto online para sa mga kandidata ng Miss Universe 2016.
Sinumang makakuha ng pinakamaraming online votes ay tiyak na makakapasok sa Top 12 ng patimpalak.
Sa advisory mula sa Department of Tourism o DOT, hinikayat nila ang publiko na iboto ang pambato ng Pilipinas na si Miss Philippines Maxine Medina.
Para iboto, bisitahin lamang ang website ng Miss Universe o ang vote.missuniverse.com at makikita mo na ang lahat ng kandidata.
Hanggang sampung beses maaaring bumoto ang bawat account sa bawat araw.
Magtatagal ang naturang online voting hanggang sabado o dalawang araw bago ang coronation night.
Ang coronation night ng naturang patimpalak ay gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Lunes, Enero 30.
By: Avee Devierte / Allan Francisco / Race Perez