Kulang umano ang mga programang tutugon sa kahirapan sa bansa.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, dapat tutukan ng gobyerno ang paglikha ng mga trabaho at iba pang mapagkakakitaan sa Pilipinas upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Inihayag ito ni Bishop Bagaforo kasunod ng lumabas na resulta ng SWS Survey kung saan, sa unang bahagi ng Duterte Administration, mahigit sa pitong milyong pamilya ang nagsabing itinuturing nilang mahirap sila.
Wake up call, aniya, sa pamahalaan ang naturang survey results upang mas manghikayat pa ng mga dayuhang mamumuhunan na lilikha ng mga trabaho sa bansa.
By: Avee Devierte