Nanganganib umanong magkaroon ng seryosong law enforcement problem ang bansa at lumala pa ang culture of impunity dahil sa tila leadership crisis at breakdown of command sa PNP o Philippine National Police.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Franklin Drilon, kung nagaganap, aniya, sa loob mismo ng PNP Headquarters ang isang krimen, saan pa makararamdam ng pagiging ligtas ang publiko.
Sinabi rin ni Drilon, hindi na magtitiwala ang publiko sa mga pulis kung sila mismo ang mga suspek sa mga krimen.
Kaugnay nito, iginiit ng senador na mahalagang maresolba ng gobyerno at PNP sa lalong madaling panahon ang talamak na kaso ng pagpatay para maibalik ang tiwala ng taong bayan.
By: Avee Devierte / Cely Bueno