Inamin ng mga opisyal ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office na hindi magiging madali ang paglilinis sa jueteng sa bansa.
Sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan na inaasahan nilang marami ang aalma at tiyak na pag-iinitan sila lalo na ng mga nakikinabang sa iligal na sugal.
sa kabila nito, iginiit ni Balutan na hindi sila masisindak at nakahanda sila sa mga posibleng gawin ng maapektuhan sa kampanya laban sa jueteng dahil katuwang nila rito ang PNP, NBI at AFP.
Kapag naging jueteng-free na ang Pilipinas, ang expanded Small Town Lottery na lamang ang magiging lehitimong numbers game sa bansa .
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping