Stable na ang kondisyon ni Dating Pampanga Representative Juan Miguel “Mikey” Arroyo makaraang masugatan sa isang vehicular accident sa Bacolor, Pampanga noong Lunes.
Sumailalim sa CT Scan at X-Ray si Arroyo sa st. Lukes medical center sa Quezon City kung saan siya naka-confine.
Sa nasabing aksidente, nagtamo ng sugat ang driver ni Mikey na si John Frederick Macaraig at isa pa na kinilalang si Edward Mendoza.
Dinala sina Macaraig at Mendoza sa Mother Teresa of Calcutta Hospital sa San Fernando.
By: Meann Tanbio