Isinailalim na sa state of calamity ang walong (8) bayan sa Agusan del Sur dahil sa matinding pagbaha.
Ayon sa PDRRMO o Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, higit limang (5) milyon na ang naitatalang agriculture damage mula sa dalawampu’t limang (25) barangay, isa ang namatay habang hindi naman bababa sa dalawampu (20) ang sugatan.
Higit tatlong libong (3,000) pamilya naman ang nananatili pa rin sa mga evacuation center dahil nanatiling lubog pa rin sa baha ang kanilang mga tahanan.
Naghain na ng resolusyon ang PDRRMO na nagrerekomendang isailalim ang buong probinsya sa state of calamity dahil sa tindi ng pinsala.
By Rianne Briones