Ginunita sa Luneta ang ika-154 na kaarawan ng pambansang bayaning si Gat Jose Rizal.
Pinangunahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Rizal, alas-8:00 kaninang umaga.
Kabilang sa mga nakiisa sa pagdiriwang ang grupong Maclariz o Maria Clara ni Rizal.
Maaga ring nagpadala ng mga bulaklak ang tanggapan ng Pangulong Noynoy Aquino at mga descendant ng pambansang bayani.
Torre de Manila
Maituturing na regalo ng Korte Suprema sa ika-154 na kaarawan ni Gat Jose Rizal ang pagpapa-suspindi sa pagtatayo ng Torre de Manila, ang tinaguriang photo bomber ng monumento ng bayani.
Binigyang diin ito ni Manila Mayor Joseph Erap Estrada.
Kasabay nito, sinabi ni Erap na inihahanda na nila ang mga kasong isasampa kasama na ang libelo laban kay dating Manila Mayor Alfredo Lim dahil sa akusasyon nitong pangingikil ni Erap sa DMCI Homes, ang developer ng nasabing condominium project.
Patuloy na iginigiit ni Erap na si Lim ang nag-apruba ng mga permit ng DMCI na malinaw sa mga dokumentong inilabas niya.
By Judith Larino