Muling binanatan ng Chinese government ang Amerika kaugnay sa pahayag ng Trump administration na handa nitong ipagtanggol ang West Philippine Sea upang maiwasan na tuluyang masakop ng Tsina.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, handa ring ipagtanggol ng Tsina ang karapatan at soberanya nito sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Pinangangatawanan aniya ng China ang pagpasok sa mapayapang pakikipag-negosasyon sa mga kapwa claimant ng Spratly Islands.
Nirerespeto rin ng kanilang pamahalaan ang prinsipyo ng malayang paglalayag sa international waters.
By Drew Nacino