Kasado na ang seguridad para sa tradisyunal na pagsalubong sa Chinese New Year sa Binondo Maynila sa Sabado, January 28.
Ayon kay Chief Supt. Joel Coronel, hepe ng MPD o Manila Police District, Enero 27 pa lamang ay ipakakalat na niya ang halos dalawandaang (200) pulis sa Binondo lalo na sa lugar kung saan gaganapin ang fireworks display at dragon dance.
Bukod sa mga pulis, magpapakalat rin ang MPD ng bomb sniffing dogs at karagdagang mga bantay mula sa iba’t ibang civic organizations.
Alas-4:00 pa lamang ng hapon ng Biyernes ay sisimulan na ang programa sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo Church hanggang sa countdown, dakong alas-11:00 ng gabi.
Dadalo sa countdown si Manila Mayor Joseph Estrada gayundin ang mga opisyal ng Chinese Embassy.
By Len Aguirre | Report from: Aya Yupangco (Patrol 5)