Tiniyak ng liderato ng Kamara na daraan sa due process ang tatlong (3) Kongresistang napabilang sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, nakausap na niya ang isa sa kanila.
Kailangan muna aniyang mapakinggan ng Kongreso si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa at ang mga pinuno ng PDEA para ma-validate ang pagkakasama ng naturang mga mambabatas sa narco list.
Ayon kay Fariñas, saka na lamang sila magpapasya hinggil sa tatlong (3) Kongresista pagkatapos nilang mag-usap.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc