Malungkot na kinumpirma ng Malacañang ang pagbitay sa Overseas Filipino Worker o OFW na si Jakatia Pawa sa Kuwait.
Sa ipinalabas na statement ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginawa ng gobyerno ang lahat para maisalba ang buhay ni Pawa kabilang na ang paghingi ng awa sa gobyerno ng Kuwait.
Gayunpaman, hindi na, aniya, naagapan sa ilalim ng batas ng Kuwait.
Hinatulan si Pawa ng parusang kamatayan matapos niya umanong mapatay ang anak na babae ng kanyang amo noong 2007 subalit itinanggi ito ng OFW at iginiit na ang kanyang amo ang pumatay matapos mahuling nakikipagtalik sa kanyang boyfriend.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping