Tumaas ng 81 porsyento ang terrorist attack sa buong mundo noong 2014.
Ito ay batay sa annual report on terrorism ng US State Department.
Lumalabas na aabot sa 13,443 terrorist attacks ang naitala sa buong mundo noong nakaraang taon na nagresulta sa pagkasawi ng halos 33,000 katao.
Maliban dito, papalo naman sa 9,400 katao ang dinukot o binihag ng mga terorista.
Matatandaang noong nakaraang taon din nang tuluyang namayagpag ang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
By Ralph Obina
Photo Credit: bbc.com