Nakipag-ugnayan na ang OWWA o Overseas Workers Welfare Administration sa pamilya ni Jakatia Pawa, ang OFW na binitay sa Kuwait.
Ayon kay Lt. Col. Angaris Pawa, tiniyak sa kanila ng OWWA na matatanggap ng dalawang anak nito ang mga benepisyong nararapat bilang mga anak ng isang Overseas Filipino Worker.
Sa huling pag-uusap anya nila ng kapatid noong bago ito bitayin, kabilin-bilinan nito na huwag nilang pababayaan ang dalawa niyang anak.
Kabilang sa matatanggap na benepisyo ng mga anak ni Jakatia ay scholarship mula sa pamahalaan at financial assistance.
Bahagi ng pahayag ni Lt. Col. Angaris Pawa, kapatid ni Jakatia Pawa, ang OFW na binitay sa Kuwait
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview)