Nagturuan ang mga pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo sa tunay na utak ng krimen.
Sa hearing ng Senate Committee on Public Order and Security, iginiit ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na sumama lamang siya kina Supt. Raphael Dumlao, team leader nila sa PNP-Anti Illegal Drug Group sa inakala niyang legitimate operations ng grupo.
Kaya naman nagulat anya siya nang utusan siya ni Dumlao na patayin ang kasambahay ni Jee na kasama sa kanilang tinangay.
Itinanggi naman ni Dumlao ang mga akusasyon ni Sta. Isabel.
Sa katunayan, malapit aniya si Sta. Isabel sa may-ari ng Gream Funeral Parlor kung saan dinala ang labi ni Jee at ipina-cremate sa Nathaniel Crematorium.
By Len Aguirre