Pinag-iisipan ni Mexican President Enrique Peña Nieto na kanselahin ang nakatakdang pakikipagkita kay US President Donald Trump sa susunod na linggo.
Kasunod ito nang pagpirma ni Trump sa direktibang simulan na ang pagtatayo ng pader sa pagitan ng border ng Amerika at Mexico.
Sinasabing nagdadalawang-isip si Nieto na ituloy ang meeting kay Trump sa January 31 matapos ihayag ng US President na Mexico ang magbabayad ng nasabing boarder wall na inalmahan naman ng mga opisyal ng Mexico.
Hinimok din si Nieto ng mga pulitiko sa kanilang bansa na huwag nang ituloy ang US trip dahil sa naturang usapin.
Bumagsak naman sa labing dalawang (12) porsyento ang approval rating ni Nieto dahil sa kabiguan umano nitong komprontahin si Trump sa nasabing isyu.
By Judith Larino