Ipinamukha ni Senate Committee on Publc Order and Dangerous Drugs Chairman Panfilo Lacson na mayroong banggaan ng teorya sa pagitan ng NBI o National Bureau of Investigation at Philippine National Police (PNP).
Sa pagdinig ng nasabing komite sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo, sinabi ni Lacson na lumalabas sa imbestigasyon ng NBI na hindi pangunahing suspect si SPO3 Ricky Sta. Isabel samantalang idinidiin naman siya ng PNP.
Ipinaalala ni Lacson na mahihirapang resolbahin ang kaso kung may disconnect at clash of theories sa pagitan ng NBI at PNP.
Dahil dito, inatasan ni Lacson sina NBI Director Dante Gierran at PNP Chief Ronald Dela Rosa na mag-case conference sila sa lalong madaling panahon kasama ang PNP Anti-Kidnapping Group at Department of Justice o DOJ upang masala ang mga pagkakaiba sa kanilang mga ebidensya nang mapalakas pa ang kaso.
Tinig ni Senate Committee on Publc Order and Dangerous Drugs Chairman Panfilo Lacson
By: Avee Devierte