Naghain ng dalawang petisyon sa Korte Suprema ang Philippine Constitution Association (PHILCONSA) at si dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras para ideklarang unconstitutional ang Framework Agreement sa Bangsamoro (FAB) at ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na pinasok ng pamahalaan para sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa 26 na pahinang petisyon ng PHILCONSA na pinangunahan ng Presidente nitong si Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez at dating Senator Francisco “Kit” Tatad, hiniling ng mga ito sa mataas na hukuman na ipatigil ng budget department ang pagre-release ng pondo para ipatupad ang fab, cab, at ang draft ng Bangsamoro Basic Law.
Kabilang din sa petisyon sila Archbishop Ramon Arguelles, Archbishop Fernando Capalla, Archbishop Romulo de la Cruz, at dating National Security Adviser Norberto Gonzales.
By Mariboy Ysibido