Muling umani ng pambabatikos online ang pambato pa man din ng bansa sa Miss Universe Pageant na si Maxine Medina.
Sa video clip ng pagrampa ng mga kandidatang nakasuot ng terno na ipinalabas kagabi sa preliminary show ng patimpalak, inilarawan ni Maxine ang disenyong Pinoy kung saan sinabi niyang si Dating First Lady Imelda Marcos ang nag-imbento nito.
Habang marami ang nagbash kay Maxine, mayroon din namang netizens na nanghimok sa mga Pilipino na itama na lang siya sa kanyang maling impormasyon at suportahan na lang para sa Miss Universe Pageant.
Samantala, sa website ng National Commission for Culture and the Arts, nakasaad na si National Artist for Fashion Design Ramon Valera ang nagpakilala sa buong mundo ng terno mula sa Pilipinas.
By: Avee Devierte