Sumuko kay DWIZ Broadcaster at Columnist Ramon Tulfo si alyas “Jerry” na sinasabing kasama sa pagdukot sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Sa ekslusibong panayam ng “Isumbong Mo Kay Tulfo Sa DWIZ”, itinanggi ni Jerry na driver siya ng isang abogado sa National Bureau of Investigation o NBI, taliwas ito sa mga lumalabas na pahayag na nagtatrabaho umano siya sa NBI.
Iginiit ni Jerry na wala siyang kinalaman sa pagpatay kay Jee, pero inamin niyang siya ang nagpasingaw ng sasakyan ni Jee nang ito’y dukutin.
Pakinggan: Pahayag ni alyas “Jerry”
Kwento ni Jerry, isa siya sa mga kasama na nag-withdraw sa Greenhills, San Juan.
Tatlo hanggang apat na bangko aniya ang kanilang pinuntahan para makapag-withdraw ng aabot sa P60,000.00.
Pakinggan: Pahayag ni alyas “Jerry”
Inilarawan din ni Jerry ang panahon na nakita niya si Jee Ick Joo.
Pakinggan: Pahayag ni alyas “Jerry”
Idinagdag pa ni Jerry na kasama rin siya sa punenarya sa Caloocan kung saan dinala ang labi ng negosyanteng Koreano.
Pagkatapos nito, naghiwalay-hiwalay na sila sa parteng Maynila at saka siya inabutan ng P2,000.00.
Inamin ni alyas “Jerry” sa Isumbong Mo Kay Tulfo sa DWIZ na mayroon na siyang natatanggap na death threat kaya siya lumantad.
Ayon kay Jerry, tinawagan niya si SPO3 Ricky Sta. Isabel para ito’y kamustahin at ipinarating sa kanya na ni Sta. isabel na gusto siyang ipapatay, batay na rin sa utos ni Raphael Dumlao ng Philippine National Police o PNP Anti-Illegal Drugs Group.
Pakinggan: Pahayag ni alyas “Jerry”
Aniya, hindi niya rin alam kung saan napunta ang limang milyong pisong ransom na ibinigay ng asawa ni Jee.
Pakinggan: Pahayag ni alyas “Jerry”
Tahasan ding idiniin ni Jerry na si Dumlao na siyang utak sa pagdukot at pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo.
Samantala, hihilingin ngayon ni Jerry na mapasailalim sa kustodiya ng NBI at mapasama sa Witness Protection Program ng Department of Justice o DOJ.
By: Meann Tanbio