Pinawi ng Malakanyang ang agam-agam ng publiko kaugnay sa posibilidad na tuluyang maagaw sa Pilipinas ang mga islang pag-aari sa West Philippine Sea.
Sa harap na rin ito ng survey ng Pulse Asia kung saan walo sa sampung Pilipino ang nagsabing dapat iginiit ng Pilipinas ang karapatan sa isla na inaangkin ng China.
Sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na nagpahayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito isusuko ang karapatan ng gobyerno sa mga isla, alinsunod sa paborableng desisyon ng Arbitral Tribunal sa Netherlands.
Mas pinili aniya ng Pangulo na magkaroon ng bilateral talks sa Chinese Government na nagresulta ng ilang bentahe sa Pilipinas.
Sa madaling salita, ayon kay Abella, kumikilos ang pangulo subalit sa kakaibang diplomatic style.
By: Mheann Tanbio / Aileen Taliping