Ikinalugod ni Senador JV Ejercito ang agarang pag-relieve sa puwesto sa mga pulis na nakita sa iprinisintang video ni Senador Panfilo Lacson na nagtatanim ng shabu para gamiting ebidensya.
Sa kabila nito, sinabi ni Ejercito na dapat ay tuluyan nang tanggalin sa serbisyo ang mga naturang pulis dahil malaking kahihiyan ito sa puwersa ng PNP o Philippine National Police.
Ayon kay Ejercito, nakababahala at nakadidismaya dahil bukod sa pagtatanim ng shabu ay nagnakaw pa ang mga abusado at tiwaling pulis.
Samantala, naniniwala naman si Sen. Lacson na makakayang disiplinahin ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang hanay ng pulisya.
By: Mheann Tanbio / Cely Bueno