Matatag pa rin ang Moral ng Philippine National Police sa harap ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon partikular ang Jee kidnap-slay case.
Sinabi sa DWIZ ni PNP-National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde na sa kabila ng inaaning batikos ngayon ng PNP, hindi natinag ang morale ng mga pulis.
Alam aniya ng mga pulis na kapag nakagawa sila ng kasalanan ay ipapataw ang bigat ng batas sa kanila.
Aminado si Albayalde na marami ang bumabatikos sa PNP sa ngayon dahil sa nangyari sa Koreanong negosyante subalit ito aniya ay isolated case lamang at tuloy tuloy naman ang cleansing o paglilinis sa hanay ng PNP.
By: Aileen Taliping