Mahigpit na minamatyagan ngayon ng Philippine National Police ang 167 pulis na sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian.
Sinabi sa DWIZ ni PNP-National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde na nasa kanilang counter-intelligence list ang nabanggit na bilang ng mga pulis .
Kinatigan ng heneral ang mungkahi ni Senador Panfilo Lacson na bumuo ng isang grupo na siyang magbabantay sa mga kapwa nilang pulis na gumagawa ng kalokohan.
By: Aileen Taliping