Nagpasalamat si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa isang taon ng kanyang reign.
Sinabi ni Pia na masaya siya sa naging misyon niya sa pagiging 2015 Miss Universe bagamat umaasang makakakuha pa rin ng suporta sa HIV-AIDS advocacy niya kahit pa naipasa na niya ang korona.
Ayon kay Pia, balik-New York siya matapos na idaos sa bansa ang 2016 Miss Universe.
Tulad ng kanyang evening gown noong 2015 na gawa ni Filipino designer Albert Andrada, kulay bughaw na evening gown din ang isinuot ni Pia sa kanyang farewell walk at ito naman ay gawa ni Dubai-based Pinoy designer Michael Cinco.
By Judith Larino