Naglagak ng piyansa sa Sandiganbayan si dating PNP Chief Alan Purisima.
Kaugnay ito sa kinakaharap na mga kasong Graft at Usurpation of Public Functions ni Purisima kaugnay sa Mamasapano Encounter nuong 2015.
Si Purisima ay naglagak ng tig Sampung Libong Piso sa dalawang kaso base na rin sa rekomendasyon ng Office of the Ombudsman.
Martes nuong isang linggo nang isampa ng Ombudsman ang kaso laban kay Purisima at maging kay dating PNP Special Action Force Director Getulio Napenias, Jr. o isang araw bago gunitain ang ikalawang anibersaryo ng nasabing masaker.
By: Judith Larino / Jill Resontoc