Ikinalungkot ng FISPC o Filipino Inventors’ Society Producers Cooperative ang plano ng gobyerno na itigil ang Project NOAH ng DOST o Department of Science and Technology dahil sa kakulangan ng pondo.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa“, sinabi ni FISPC President Popoy Pagayon na nanghihinayang siya dahil ititigil na ang Project NOAH na nagbibigay ng real-time weather data at hazard maps.
Tinawag pa ni Pagayon na ningas-kugon ang pamahalaan matapos sabihin ni Project NOAH Executive Director Mahar Lagmay na hanggang sa Pebrero 28 na lamang ang nasabing programa ng DOST.
Matatandaang inilunsad ang Project NOAH noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa layuning mapagaan ang epekto ng sakuna.
Pakinggan: Popoy Pagayon, Presidente ng Filipino Inventors’ Society Producers Cooperative
By: Meann Tanbio