Nakapagtala ng zero fatality sa unang araw ng suspension ng Oplan Tokhang o Anti-illegal Drugs campaign ng Philippine National Police (PNP), sa Metro Manila pa lamang.
Ito’y makaraang buwagin ang Anti-Illegal Drugs group (AIDG) upang magbigay daan sa paglilinis sa hanay ng pnp matapos masangkot ang ilang miyembro ng AIDG sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-Joo.
Sa pag-iikot ng DWIZ, walang naitalang anti-drug operations sa mga lungsod ng Maynila at Quezon sa buong magdamag.
Tiniyak naman ni PNP chief, Dir. Gen. Ronald dela Rosa na tututukan nila ang “internal cleansing” at simulan ang “kampanya kontra mga scalawag at bugok na pulis.”
By Drew Nacino