Arestado ang isang hacker na wanted sa US Federal Bureau of Investigastion sa Bacolod City.
Ayon sa mga otoridad, huli si Peter Alexy Locsin kasama ang apat na iba pa sa isang paupahang bahay sa Donia Juliana Subdivision sa syudad.
Sinasabing nasa wanted list ng FBI si Locsin dahil sa pagkakasangkot sa bank fraud at hacking.
Narekober sa suspek ang mga pekeng credit card, lisensya at mga ATM, isang assault rifle, shot gun, dalawang kalibre 22 na baril at mga bala.
By Rianne Briones