Patuloy na dumarami ang mga kumokontra sa immigration crackdown ni U.S. President Donald Trump.
Daan-daang libong Amerikano na ang nananawagan sa gobyerno na itigil na ang tinatawag nilang Muslim-ban na isang uri ng human rights violation
Mula Los Angeles hanggang New York maging sa labas ng Estados Unidos ay kaliwa’t kanang protesta ang inilunsad ng mga human rights group.
Ipino-protesta na rin ng mayorya ng mga Muslim sa Middle East ang nasabing ban kung saan pinagbabawalang pumasok sa Estados Unidos sa loob ng tatlong buwan ang mga mamamayan ng Iraq, Syria, Iran, Libya, Yemen, Somalia at Sudan.
Samantala, nilinaw ni Trump na walang Muslim-ban at kinalaman dito ang relihiyon dahil pawang mga “potential terrorist” ang target ng crackdown at hindi ang Islam.
By: Drew Nacino