Nakapagtala ang pulisya ng apat na napatay na drug suspect sa kabila ng pagsuspindi sa oplan tokhang.
Batay sa datos ng Philippine National Police o PNP, umakyat sa 2,555 ang bilang ng mga napatay na drug suspect na nanlaban umano sa mga pulis operation, Martes ng umaga.
Samantala, naragdagan din ng 38,000 ang mga bahay na isinailalim sa oplan tokhang.
Ayon sa PNP, dahil sa oplan tokhang,napasuko ng pulisya ang mahigit isang milyong drug user at halos 80,000 drug pusher.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal