Nakatakdang humarap sa pagdinig ng senado sa umanoy suhulan sa Immigration si dating General Wally Sombero.
Ayon kay Sombero, nakikipag-ugnayan na siya sa kanyang abogadong si Atty. Ted Contacto para sa kaukulang seguridad niya sa pagharap sa senate investigation sa February 9.
Ibinunyag ni Sombero na maliban sa kanyang problema sa kalusugan, nakakatanggap din siya ng banta sa kanyang buhay at maging sa kanyang pamilya.
Kasabay nito, sinabi ni Sombero na naaawa siya kina Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles na pinaninindigan ang kanilang pagsisinungaling sa usapin.
Sa panig niya, iginiit ni Sombero na siya ang nag-facilitate para makalikom ng 50 million pesos para kina Argosino at Robles bilang goodwill money para umano sa kalayaan ng Chinese illegal workers sa casino ni gambling tycoon Jack Lam.
By Judith Larino