Pwedeng mag-akusa pero suportado dapat ng ebidensya.
Ito ang inihayag ni Senador Panfilo Lacson kaugnay ng akusasyon ng Amnesty International na planado umano ang pagpaslang sa mga drug suspect na maituturing na crimes against humanity.
Giit ni Lacson, kung walang maipakikitang pruweba ang Amnesty International, maituturing na haka-haka lamang ang kanilang akusasyon.
Dagdag pa ni Lacson, makagagawa lamang sila ng kaukulang aksyon kapag may naipakitang ebidensya.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Lacson
By: Avee Devierte / Cely Bueno