Ibinasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang mosyon ni dating Senador Juan Ponce Enrile na ipawalang bisa ang kaso ng pandarambong laban sa kanya kaugnay ng Pork Barrel Fund Scam.
Sa resolusyong isinulat ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, sapat, aniya, ang impormasyon ng kaso laban kay Enrile na una nang isinampa ng Ombudsman noong June 2014.
Matatandaang sinuspindi noong October 2015 ang proceedings sa plunder case ni Enrile dahil hinihintay pang desisyunan ng Korte Suprema ang motion for bill of particulars ni Enrile na siya namang nagpahimok sa Supreme Court na atasan ang prosekusyon na magdagdag ng impormasyon sa kaso.
Una nang nanindigan si Enrile na dapat ibasura ang naturang kaso dahil hindi, aniya, sapat ang mga alegasyon laban sa kanya para kasuhan siya ng kasong pandarambong.
By: Avee Devierte