Labing anim na volcanic quake ang naitala mula sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na magdamag.
Batay sa pinakahuling seismic monitoring ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology , bumaba ang volume ng asupre na ibinubuga ng bulkan kung saan tatlumput pitong tonelada sa bawat araw ang naitatalang average sulfur dioxide emission nito.
Hirap naman ang PHIVOLCS na ma obserbahan ang pinaka bunganga ng bulkan dahil sa makapal na ulap na tumatakip sa tuktok nito.
Inalerto na ang mga residente malapit sa bulkan kung saan umiiral ang alert level 1.
By: Judith Larino