Mariing itinanggi ni Philippine National Police o PNP Chief Ronald Dela Rosa ang report ng Amnesty International o AI na nagbabayad umano ang PNP sa mga pulis na makapapatay ng drug suspect.
Ayon kay Dela Rosa, wala silang pondo para sa nasabing akusasyon.
Kung totoo man aniyang may nagbabayad, labas na rito ang PNP.
Kasunod nito, hinamon ni Dela Rosa ang Amnesty International na ilabas ang pinanggalingan ng kanilang alegasyon at dalhin sa Ombudsman para pormal na makapagsampa ng reklamo.
Gen. Bato denepensahan ang pagpapatapon sa Mindanao ng mga tiwaling pulis
Idenepensa ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagpapatapon sa Mindanao ng mga pulis na sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian.
Ayon kay Dela Rosa, dati naman nang umiiral ang ganitong gawain sa PNP.
Katwiran ni Dela Rosa, ipinadadala niya sa Mindanao ang mga tiwaling pulis upang maputol ang kanilang iligal na operasyon.
Halimbawa anya ang mga nangotong na pulis sa mga Koreano sa Pampanga.
Kapag ipinadala raw sa Basilan o Sulu ang mga ito, walang Koreano roon na kanilang mabibiktima kundi mga Abu Sayyaff ang kanilang makasasagupa.
Epektibo din daw ito dahil marami na ang nag-AWOL sa mga nauna nilang ipinadala sa Mindanao.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal