Inaasahang papasok ngayong araw na ito ang Low Pressure Area (LPA) sa PAR o Philippine Area of Responsibility na nasa Pacific Ocean.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nasabing LPA ay posibleng maging bagyo sa mga susunod na araw subalit hindi direktang tatama sa lupa.
Gayunman, uulanin ang Visayas at Mindanao dahil sa extension ng nasabing weather disturbance formation.
By Judith Larino