Pinaghihinalaan ng militar ang NPA na nasa likod ng pagpatay sa tatlong (3) sundalo.
Tadtad ng bala ng baril ang mga katawan ng mga nasabing sundalo nang matagpuan ang mga ito sa Sitio Kaleb, Barangay Kibalabag, Malaybalay City, Bukidnon ala-5:00 ng hapon kahapon.
Ayon kay 4th infantry division spokesperson Captain Jo Patrick Martinez, overkill ang ginawa sa kanilang mga tauhan.
Nagtungo pa, aniya, sa Malaybalay City kahapon ng umaga ang tatlong hindi pa pinapangalanang sundalo para kumuha ng kanilang allowance.
Wala na ang kani-kanilang pera nang matagpuan silang wala na ring buhay.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal