Dinala na sa Philippine General Hospital o PGH sa Lungsod ng Maynila ang sampung nasugatan sa sunog sa hti sa Epza, General Trias, Cavite.
Sinabi ni Cavite Governor Boying Remulla na malala ang lagay ng sampung biktima.
Sinabi ni Remulla na mahigit sa 100 iba pa ang sugatan sa sunog at 40 ang nananatili sa iba’t ibang pagamutan sa Cavite.
Ama ng isa sa mga biktima ng sunog sa Cavite umapela sa pamahalaan
Umaasa si Mang Vicente Guiliman, ama ni Joliven, isa sa mga biktima ng pagkasunog ng HTI o House Technologies Industries sa Epza, General Trias, Cavite na tutulungan sila ng pamahalaan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Guiliman na itinuturing na minor burns ang natamo ng kanyang anak subalit wala pa silang natatanggap na katiyakan na maliligtas ang buhay nito.
Pakinggan: Tinig ni Mang Vicente Guiliman
Mga progresibong grupo sinabayan ng protesta ang sunog sa HTI
Sinabayan ng protesta ng mga progresibong grupo ang sunog sa HTI o House Technologies Industries sa Epza, General Trias, Cavite.
Nanawagan ng hustisya ang mga manggagawa at iginiit ang kanilang mga benepisyo.
inihalintulad din ng mga manggagawa ang sunog sa HTI sa sunog sa pagawaan ng Kentex.
By: Katrina Valle / Allan Francisco