Binanatan ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang mabagal na imbestigasyon ng pamahalaan kaugnay ng Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force noong Enero 25.
Iginiit ni VACC Founding Chairman at President Dante Jimenez na bukod sa hustisya, mabagal din ang pagkakaloob ng mga benepisyong ipinangako ng pamahalaan sa mga kaanak ng SAF commandos.
Ayon kay Jimenez, dapat i-itemize o isa-isahin ng gobyerno ang mga naitulong nito sa pamilya at kamag-anak ng SAF 44.
Inihahanda na aniya nila ang kasong isasampa laban kay Pangulong Noynoy Aquino pagkatapos ng termino nito sa 2016.
By Meann Tanbio