Tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kampanya ng gobyerno kontra droga.
Kasunod ito ng pansamantalang pagpapatigil sa Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang kasunod nang nangyaring pagdakip at pagpatay sa isang negosyanteng Koreano.
Ayon sa Pangulo, nawalan na siya ng tiwala sa PNP maging sa NBI matapos na masangkot ang nangyaring pambibiktima sa mga Koreano.
Kasabay nito, sinabi ni Duterte na binabalangkas na ang pormal na kautusan na nagtatalaga sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para tutukan ang anti-drug campaign.
By Rianne Briones | Story Credit: CNN PH
Photo Credit: Presidential Photo