Sinuportahan ng ilang senador ang plano ni Senador Chiz Escudero na imbestigahan ang report ng AI o Amnesty International kung saan sinasabing binayaran ang mga nakapatay sa mga sangkot sa ilegal na droga.
Sinabi ni Senator Leila de Lima na mahalaga ang imbestigasyon upang malaman kung may basehan ang report at para magkaroon ng pagkakataon ang Philippine National Police (PNP) na magpaliwanag hinggil dito.
Sinabi ni Senator Riza Hontiveros na makatutulong ang imbestigasyon para malaman ang katotohanan sa usapin at marami namang maaring ipatawag na resource person hinggil dito.
Una nang sinabi ni Senator Richard Gordon na hindi niya pabubuksan ang imbestigasyon sa extrajudicial killings matapos lumabas ang report ng AI, dahil maaari pa itong ituring na “hearsay” o tsismis hanggat walang ipinapakitang solidong ebidensya hinggil dito.
By Katrina Valle | Report from: Cely Bueno (Patrol 19)