Posible na isang sindakatong kinabibilangan ng mga tiwaling miyembro ng PNP at NBI ang nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.
Sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na ito ang lumalabas sa kanilang imbestigasyon.
Ayon kay Dela Rosa, matinong negosyante si Jee na nagpapadala dati ng mga manggagawa sa kalakalan ng online casino games sa Angeles City, Pampanga.
Kaiba sa ilang dayuhang nagpapatakbo ng online gaming business doon na nagbabayad ng protection money sa mga tiwaling opisyal ng NBI, tumanggi umano si Jee na magbayad upang tumigil na rin sa pagbabayad ang ibang Koreanong negosyante.
By: Avee Devierte