Magpapatupad ng kaltas presyo ang ilang kumpanya ng langis sa ilang oil products nila bukas.
Epektibo mamayang alas-12:01 ng madaling araw, ang P0.10 sentimong bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina ng Flying V at P0.30 sentimo naman sa biodiesel.
Magpapatupad din ng P0.25 sentimos na kaltas sa presyo ng kada litro ng diesel ang Shell, Sea Oil at Phoenix Petroleum Philippines.
Inaasahan namang susunod na rin ang iba pang kumpanya ng langis sa nasabing rollback na dulot naman nang paggalaw ng presyo ng langis sa international market.
By Judith Larino