Gawin na lamang ang pakikipag-usap sa gobyerno pagkatapos ng termino ng administrasyong Duterte.
Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang tuldukan ang peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Tahasang sinabi ng Pangulo na ayaw niya ng lokohan dahil seryoso ang pamahalaan na magkaroon ng kapayapaan.
Binigyang-diin ng Presidente na ginawa niya ang lahat para matuloy ang peace talks gaya ng pagpapalaya sa ilang lider ng komunista, pero iginiit pa rin ng mga ito ang pagpapalaya sa 400 political prisoners na anito’y hindi makatwiran.
By Meann Tanbio | Report from: Aileen Taliping (Patrol 23)