Nilinaw ng Department of Justice na hindi nila inaalis ang anggulong may mga Koreanong nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, matagal nang may mga balitang Koreano rin ang nasa likod ng ilang kasong kinasasasangkutan ng kapwa nila Koreano.
Gayunpaman, masyado pang maaga para isiwalat ang kabuuang detalye ng anggulong ito dahil hindi pa tapos ang joint investigation ng PNP at NBI sa kaso ni Jee.
Dagdag pa ni Aguirre, iniimbestigahan na rin kung bakit kinailangang patayin si Jee kung kidnap-for-ransom ang talangang motibo.
Bukod sa anggulong Korean mafia, tinitingnan na rin ang balitang naging recruiter umano si Jee ng mga empleyado ng pinaghahanap na online gambling operator na si Jack Lam.
By: Avee Devierte / Bert Mozo