Pinaplanong taasan ng PSC o Philippine Sports Commission ang suweldo ng national coaches.
Ang hakbang ayon kay PSC Chairman Richie Garcia ang nakikita niyang solusyon para matutukan ang training at kahandaan ng national athletes sa mga kumpetisyon tulad ng Southeast Asian Games at Asian Games.
Sinabi ni Garcia na ang mga coach na nakatutok sa 50 National Sports Associations ay tumatanggap sa PSC ng sampu hanggang tatlumpu’t anim na libong piso kada buwan.
Sinasabing naghahanap pa umano ng ibang trabaho o sideline ang ibang coaches na nakakaapekto sa training ng mga atletang Pilipino.
Samantala, binabayaran naman ng 2,500 US dollars kada buwan ang foreign coaches depende sa kanilang level.
By Judith Larino