Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pag-aresto sa labindalawang (12) consultant ng National Democratic Front (NDF) sa oras na magbalik ng Pilipinas.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Ronald dela Rosa, wala namang direktang kaugnayan sa naunsyaming peace talks ang pag-aresto sa mga naturang rebel leader.
Ang mga ito ay sina Benito at asawang Wilma Tiamzon; VIC ladlad, Afelberto Silva; Alfonso Jazmines; Alfredo Mapano; Loida Magpatoc; Pedro Cudaste; Ruben Salota; Ernesto Lorenzo; Porferio Tuna; Renante Gamara at Tirso Alcantara.
Samantala, tutugisin naman at aarestuhin din anya ang mga NDF consultant na nakabalik na ng bansa.
Kaugnay nito, dalawang komunistang rebelde ang arestado sa Davao City sa gitna ng operasyon ng militar laban sa CPP-NPA.
Kinilala ang rebelde na si National Democratic Front Consultant Ariel Arbitrario at NPA-Southern Mindanao Command Liaison Officer Roderick Mamuyac.
Ayon kay Task Force Davao Commander, Col. Erwin Neri, naaresto ang dalawa sa isang checkpoint sa Barangay Sirawan, Toril District.
Isa anyang impormante ang nag-tip sa militar na ilang pasahero na may mga warrant ang daraan sa checkpoint.
Patungo sanang Davao del Sur sina Arbitrario at Mamuyac nang maharang ng militar.
By Drew Nacino | Report from: Jonathan Andal (Patrol 31)