Lalagdaan na ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang provisional order hinggil sa pisong dagdag sa pasahe sa mga jeep.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada na iiral ang provisional increase sa National Capital Region (NCR), at sa Regions 3 at 4.
Posible aniyang maging epektibo ito sa loob ng linggong ito kapag natapos na ang paggawa ng issuance of order.
Dahil sa nasabing pasya ng LTFRB, magiging P8 na ang minimum na pamasahe sa jeep mula sa kasalukuyang P7.
“The earliest will be this week, the latest will be next week.”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Atty Aileen Lizada
Kasabay nito, sinabi ni Lizada na nakahanda silang magsagawa ng pagdinig kung mayroong maghahain ng petisyon na hihirit na ibaba ang pasahe sa jeep.
“Kung may magfa-file naman, we will hear.”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Aileen Lizada
By Meann Tanbio | Ratsada Balita (Interview)