Sorpesang isinailalim sa mandatory drug test ang walong daang (800) opisyal at personnel ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon kay PDEA Chief Isidro Lapeña, bahagi ito ng internal cleansing sa kanilang hanay.
Idinagdag pa ni Lapeña na maging ang kanilang utility workers ay hiningan din ng urine sample para sa drug testing.
Kasabay nito, inihayag ni Lapeña na isasailalim sa lifestyle check ang mga opisyal ng PDEA kasunod ng alegasyon na mayroon umanong opisyal na tumanggap ng suhol mula sa drug personalities.
By Meann Tanbio